hayop

Ano ang kaibahan?

Kung ang mga taga-ibang planeta ay makakita sa atin sa malayo masasabi nila na ang mga tao ay talagang tulad ng mga hayop, tanging ang kanilang panloob na pamaraan ng pamamahala ay mas kumplikado at nasasangkot. Tayo ay nagtatrabaho na may malaking kakayahan sa pagpapabuti ng ating buhay ngunit tayo ay nanatiling pareho ng mga hayop, mas maunlad lang ng konte. Ang tanong ay, bakit tinawag natin ang ating sarili na tao? Matapos ang lahat, tayo ay lubos na abalang-abala sa kabutihan ng ating mga katawan, at sa pagsasaalang-alang na ito, tayo ay bahagyang hindi naiiba sa mga hayop.

Ang tao, gayunpaman, ay may karagdagang katanungan: “Ano ang mangyayari pagkatapos ako mamatay?” Ang hayop ay hindi magtatanong ng ganitong katanungan, samantalang para sa tao, ito ay napakahalaga para iangat ang kanyang sarili sa buhay na ito habang nabubuhay sa mundong ito. Sa ibang mga salita, ang tao ay binigyan ng tanong tungkol sa sa kahulugan ng buhay para maging tao sa halip na mananatiling hayop. Ang tao ay magiging tao kapag simula siyang makadama ng buhay sa labas ng kanyang katawan, buhay man ito o patay, kapag linangin ng tao ang kakayahan sa pagdama ng pag-iiral sa susunod na antas. Ang tao ay kailangang makaabot sa kalagayang ito sa pagitan ng panahon ng kanyang pagsilang at kamatayan. Totoo, ito ang siyang bumubuo ng tunay na kahulugan ng buhay ng tao.

Hanggang sa marating natin ang antas na ito, tayo ay mga hayop, walang pasubaling tiyak na pinoprograma sa ating katawang hayop na kung saan tayo ay umiiral at kung saan iniuugnay natin ang ating sarili.

  • en
  • ru
  • es
  • fr
  • de
  • it
  • pt
  • nl
  • bg
  • ro
  • kk
  • tr
  • fi
  • pl
  • cs
  • hu
  • lv
  • lt
  • et
  • he
  • ar
  • tl
  • ko
  • zh
  • ja
Bookmark and Share